Published On: Thu, May 23rd, 2019

Kris Aquino, nagpaliwanag tungkol sa ‘pagtukso’ niya kay Willie Revillame na ligawan siya | Chika Muna

Marami ang nasiyahan sa tuksuhan na “ligawan” nina Kris Aquino at Willie Revillame nang magkausap ang dalawa via phone patch sa “Wowowin.” Sa naturang episode na ipinalabas nitong Miyerkules, sinabi ni Kris na sasagutin niya si Willie sa June 4 kapag niligawan siya ng TV host.

Tinawagan ni Willie si Kris sa telepono para ipakausap ang isang contestant na impersonator ni Kris na si Chino Liu.

Sabi kasi ni Chino, wish at dream niya na makita nang personal ang Queen of Multimedia.

Pero bukod sa pag-uusap nina Kris at Chino, nagkaroon din ng tuksuhan sina Kris at Willie nang kumustahin ng TV host ang love life ng multimedia star.

“So, ‘wag na natin patagalin.  Kung liligawan mo ako, June 4 sasagutin na kita. ‘Yun ang birthday gift k okay Kuya Josh,” sabi ni Kris sa natatawang si Willie.

“Matutupad na ang pangarap niya na si Willie Revillame naging stepfather niya,” sambit pa ni Kris na natatawa rin.

Kilala na malapit si Willie sa mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby.

Ayon kay Kris, hindi siya nagpapaligaw sa iba dahil hinihintay niya si Willie dahil ang “Wowowin” host lang umano ang tanggap ng kaniyang mga anak.

“Sabi nila, ‘Si Tito Willie will like you Mama not because of your money because he’s richer than us,” sabi ni Kris.

Sa Facebook post ni Kris nitong Huwebes, inihayag ng multimedia star ang pinanggalingan ng kaniyang sinabi kay Willie na sasagutin niya ito sa June 4 bilang regalo sa birthday ni Josh.

Ayon kay Kris, dahil sa mga pinagdadaanan niya ngayon sa buhay kung saan sumasailalim siya sa mga medical examination kaugnay ng kaniyang kalusugan, hindi na ang sarili ang kaniyang prayoridad.

Nang makausap ni Willie si Kris sa programa, sinabi ni Kris na nakatakda siyang sumailalim sa mga medical test.

“There’s a lot about yourself you can discover when feeling vulnerable because you’re aware that the results of tests done on you will have answers about life expectancy and quality of life,” sabi ni Kris sa post.

“And nasagot din sa’kin ng isang segment na in actuality was taped late Saturday last week. My life’s priorities are really not about me. I simply want my sons to be happy. That’s where the ‘June 4 sasagutin kita’ statement made to Willie came from,” dagdag niya.

Pero sinabi ni Kris na walang ligawan na magaganap sa kanila ni Willie.

“But i’d always want Kuya to be secure, feel loved, and HAPPY. It’s not like with Bimb that i see so much of the “fighter” part of me in him… my panganay is a gentle giant who really needs to be sheltered and protected. Mabait kasi kaya baka maabuso,” ayon kay Kris.

Patuloy niya, “And more than Bimb, siya talaga yung naghahanap ng constant, strong, decidedly male figure in his life dahil ang mga hilig niya, cars and taking long drives, golf carts, biking, ATV, and jet skis (plus the swimming and running 10Ks) obviously hindi ko naman siya masasamahan.”

Hindi nagbigay ng ibang detalye si Kris kaugnay ng isinagawa sa kaniyang medical test pero nangako siyang magbibigay ng update sa kaniyang mga follower kapag nakabawi na ang kaniyang katawan. — FRJ, GMA News

Source link